Grade 8-Busay
Isa sa apat na himagsik ni Balagtas ay ang "Himagsik Laban sa Hidwaang Pananampalataya"
149 “Ipinahahayag ng pananamit mo, taga-Albanya ka at Pers’yano ako
Ikaw ay kaaway ng baya’t sekta ko, sa lagay mo ngayo’y magkatoto tayo”
Noong Setyembre 20, 1519, si Ferdinand Magellan, na isang Portuguese explorer na naglilingkod para sa Espanya, ay pinamunuan ang unang ekspedisyon sa layuning ikutin ang buong daigdig para makahanap ng mahahalagang pampalasa,
Natuklasan niya ang isang lagusan Kalaunan,natagpuan nya ang mga polo at pinangalanan ang mga isla na Filipinas bilang parangal kay King Philip ng Espanya. Idinaos ang unang misang Katoliko sa isla ng Limasawa sa Leyte noong Marso 31, 1521
Napatay si Magellan sa pamamagitan ng mga panâ na may lason noong Abril 27, 1521 sa Battle of Mactan ng mga katutubo sa isla sa pangunguna ng lokal na kapitan na si Lapu-Lapu na tumututol na kilalanin ang awtoridad ng Spain. Ang digmaang ito ay itinuturing unang pakikipaglaban ng mga Pilipino sa mga banyagang mananakop at idinambana si Lapu-Lapu bilang bayani.
Ang pananakop sa kapuluan ay nagtagumpay na walang pakikipaglaban (maliban sa mga Muslim). Naging problema ng mga Kastila ang pakikipaglaban ng mga Muslim sa Mindanao at Sulu. Bilang sagot sa pag-atake ng mga Espanyol sa mga Muslim at kanilang mga kakampi, sinalakay nila ang mga lugar sa Luzon at Bisayas na nasa ilalim ng pamamahala ng Espanyol. Naglunsad ang mga Kastila ng mga kampanya laban sa mga Muslim, ngunit wala itong naging tiyak na resulta hanggang sa gitna ng ika-19 siglo.
Magkaugnay ang Simbahan at Estado noong panahon ng Kastila. Naging responsibilidad ng estado ang mga establishimentong panrelihiyon. Isa sa mga naging layunin ng Espanya sa kolonyalisasyon ng Pilipinas ay ang pagbibinyag ng mga tribu sa Kristiyanismo. Ang pagpapalit ng relihiyon ay naganap dahil sa kawalan ng ibang maayos na relihiyon, maliban sa Islam, na laganap sa Timog. Ang mga seremonya ng simbahan ay naging bantog, na naging dahilan upang mapasama ang iba't ibang pista sa tradisyong Pilipino.
Naging sanhi nito ang pagdami ng mga Katoliko sa bansa, na tinutulan ng mga Muslim sa Mindanao at mga tribu sa Hilagang Luzon at ang mga Mangyan ng Mindoro.
Hindi kumita ang Espanya sa Pilipinas bilang isang kolonya, at malapit nang maubos ang salapi ng pamahalaan dahil sa digmaan laban sa mga Dutch at sa pakikipag-laban sa mga Muslim. Ang kita ng pamahalaang kolonyal ay nanggaling sa kalakalang galyon.
Reference: BALITA, Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa
Wikipedia